Tuesday, November 24, 2015

Luha ng Kagalakan CMV with Lyrics





LUHA NG KAGALAKAN LYRICS

Ang araw na ito ay aming kinasabikan
Sapitin ang sandaling ito’y aming kinasabikan
Sapitin ang sandaling ito’y aming inasam
Buong Iglesia’y naghintay at nag abang
Ang mga araw amin ngang binibilang
At ngayon kami ay narito na
Aming mga puso’y walang pagsidlan ng saya
Damdami’y umaapaw sa galak at tuwa
Walang ibang masabi kundi salamat, Ama

CHORUS
Ang luhang ito’y luha ng kagalakan
Pagkat maraming taon ang lumipas
Ngunit ang mga lingkod Mo’y di pinabayaan
Salamat Ama sa Iyong pagmamahal
Hayag na hayag, O Diyos sa buong sanlibutan
Na ang Iyong kamay ang Siyang umaagapay
Maraming mang pagsubok ang pinagdaanan
Ngayon ang Iglesia, maningning… matagumpay…

Isang daang taong paggabay
Isang daang taong pamamatnubay
Patuloy ang paglakas
Patuloy pang lumalawak
Ang mga pagtatagumpay, tunay ngang nagpapahayag
Ang Iglesia’y sa Iyo, Ikaw sa amin ay mayhawak
Ang mapabilang sa Iyong bayan
Ay dakilang biyaya
Sa aming ngang mga mata’y bakas na nga

Sa anong sitwasyon ng buhay
Kaming mga lingkod Mo’y nagdaan
Ngunit kami matibay na naninindigan
Aming layunin ikaw’y paglingkuran
Ay hindi nagmaliw, kailanman (hindi kailanman)
Pangako naming sa Iyo, Ama
Habang kami may buhay pa
Sakdal kaming haharap sa Iyo Sa araw na dakila na aming inaasahan

CODA
Luhang ito’y luha ng kagalakan
Pagkat maraming taon ang lumipas


source : incmedia.org

Sunday, November 8, 2015

'Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw' (Felix Manalo Theme Song) with Lyrics




Considered as one of the top singers in the Philippines, Sarah Geronimo was chosen to give voice to "Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw", the official theme song of the much-awaited film of the year, "Felix Manalo". Said video was also shown in the premiere screening of "Felix Manalo".

Ang Sugo Ng Diyos Sa Mga Huling Araw Lyrics

Sa simula'y nagpanukala ka
Sa malayo'y may mga hihirangin
At sa mga wakas ng lupa'y tatawag
Ng sugong magsasagawa ng 'yong payo

Kahit na sa tao'y hamak siya
Inalalayan mo ng 'yong kamay
Hindi siya natakot ni hindi nanghina
'Pagkat lakas niya'y ikaw... Ama...

Ang 'yong Sugo oh Diyos sa mga huling araw
Nanguna ng tapat sa Iglesia Ni Cristo
'Di mapipigil ang gawaing ito
Dahil sa awa mo...
Mula sa isang tao, Ngayon ay bayan mo
Purihin ka oh Diyos...

Sa hirap at pag-uusig man
Siya ay hindi nag-alinlangan
At sa iyong Sugo, pangako'y natupad
Sa'yong aral siya ay nanindigan
Pumanaw man ang iyong Sugo
Iglesia ay pinagpala mo
'Pagkat tanging sa'yo ang gawaing ito
Natupad ang panukala mo

source: Viva Entertainment